Bakit parang nagbago na sila. Ganun ba talaga pag nagkakalayo at napupunta sa magkakaibang lugar? Siguro nga. Parang hindi ko na sila kilala. Parang may sarili na ulit silang mundo, yung mundo na sila lang ang may alam nung hindi pa kami magkakakilala. Parang iba na yung trip nila at iba na yung gusto nilang pag-usapan. Parang hindi na kami nagkakaintindihan katulad nang dati.
Ang lungkot lang siguro, na yung inasahan mong hindi magbabago, biglang gugulatin ka na lang. Siguro hindi naman talaga dapat na maramdaman ko 'to. Dahil wala naman akong karapatan(?) Buhay naman nila yun at ako, maliit na parte lang naman ako dun. Siguro dapat na masanay na lang ako, tanggapin na nagbabago ang mga tao.
Kahit pa sabihin nilang hindi.
No comments:
Post a Comment