Paano na lang yung mga susunod na henerasyon kung ngayon pa lang parang sobra na? Nasan na yung tradisyong maganda? Nasan na yung tradisyong kaayaaya?
Ito na nga lang ba ang inaasahan ng bayan? Maaasahan ba ng bayan ang iilang kabataang tunay na may puso? Patuloy na nagrereklamo pero nasaan na nga ba talaga? Kaya kaya ng mangilan ngilan ang gusto nilang pagbabago?
Ibang iba. Ibang ibang iba.
Hindi ko makita yung sense ng ibang mga bagay bagay at kung bakit sila nangyayari at kung bakit patuloy na nangyayari. Hindi ko gustong ibalik yung nakaraan. Gusto ko lang sanang hindi pasama yung henerasyon natin ngayon.
Gusto ko lang sabihin sayong gumising ka at tumingin sa paligid. Mas madami pang problema kesa sa kinaiinisan mong tao sa room mo. Mas madami pang problema ang bansang to kesa sa butas sa bago mong mini skirt. Mas nakaka-broken hearted pa nga ang kalagayan ng bansa natin, kesa sa pagiwan sayo ng siyota mo.
Pero, bat di mo makita? Ba't kahit konti hindi mo man lang madama?
Kulang pa ba ang mga problema para lang maramdaman mo ang tunay na mahalaga?
Kailangan ka, kumilos ka.
No comments:
Post a Comment