Nakakainis yung mga taong akala mo kung sino kung mangeelam sa buhay mo. Akala mo sila nagpapalamon sa'yo araw-araw e ni hindi ka nga kilala nang lubusan. Ni hindi nga nila alam kung ano yung mga pinagdadaanan mo sa buhay. Leche, nakakainis.
Ayoko kasi talaga yung pinakekeelaman kami ni Gian, e. Sobrang nakakabadtrip lang kasi, alam ko namang wala akong ginagawang masama. Nanay at tatay ko nga, um-okay sa'min tapos ikaw mangengeelam ka? Bwiset kumukulo talaga dugo ko right now.
So feeling nila kapag may boyfriend mag-aasawa na kagad? Grabe, 1960s lang? Sobrang nandidiri nga ako sa thought ng pag-aasawa kasi ambata ko pa MY GOLLY. E, kung isampal ko kaya sayo lahat ng listahan ng pangarap ko, mga lugar na gusto kong puntahan, mga taong gusto kong tulungan, at kung gaano ko gustong maging mayaman.
Given na kamaganak pa kita, porke walang boyfriend yang anak mo?! Baka nga maunahan pa ko niyang mag-asawa, tignan lang natin pag nangyari yun, tatawa lang ako sa inyo mga leche kayo.
Sa future pag mayaman na ko at hindi ako nag-asawa nang maaga, sasampalin kita.
Pramis.
No comments:
Post a Comment